Kanina napakahaba ng diskusyon kung kelan ba tayo hihinto sa mga bagay??? Halimbawa na lang sa kung kelan tayo hihinto sa pagbibiro...Kung itigil na bang ihayag ang tunay na nararamdaman...pahintuin nang umibig ang puso sa laban na alam mong talo ka sa umpisa pa lang??? Kelan nga ba tayo hihinto... pag nakita na nating bumabaha na ng luha...nasabi na ang mga bagay na alam nating hindi na dapat nasambit???
Alam ko na napakalalim ng mga salitang binitiwan ko sa unang bahagi nitong blog na ito...Ngayong araw ko lang napagisipan na minsan mahirap unawain ang isang tao kung sarado ang isip nito...hindi sa nais mong baguhin ang pananaw nya...bagkus gusto mo lang naman unawain ang taong ito..ngunit hindi mo maiintindihan ang kabilang panig kung puno ng pagkamuhi at galit ang nararamdaman nila sayo...Hindi ko gawaing mang-away ngunit minsan sa pagiging prangka ko at minsan pagiging makulit hindi ko alam kung nakakasakit ba ako ng kapwa dahil sa napapamulat ko na totoo ang mga sinasabi ko at hindi nila matanggap ito ng paulit ulit..o kung pabiro ko man nasasabi ang mga salitang totoo bakit ako hihinto sa ginagawa ko gayong alam ko na katotohanan naman ang mga sinasabi ko...Malinaw sa akin na may oras ang pagbibiro at may oras sa mga seryosong bagay...ngunit sa biruan hindi pwedeng ihalo ang personal nating mga problema dahil alam nating sa mga reaksyon na ganito hindi tayo pwedeng magpaapekto dahil ang pagiging sensitibo ay maaring hindi lang ikaw ang maapektuhan kung hindi na rin ang mga taong nakapaligid sa iyo...
Isinasang tabi naten ang mga problema kapag oras ng sayahan...hindi ito pagkukubli sa tunay na nararamdaman bagkus inilalagay naten sa tamang lugar ang lahat....dahil hindi ka mananalo ng "BEST ACTOR AWARD" pag naitago mo ito ng maayos...bagkus masasabi mo sa sarili mo na marunong ka magdala ng problema...
Kung sa umpisa pa lang nang araw ay balisa ka na sa nararamdaman...naiinis...naasar..pikon...galit...walang gana upang magsaya...malamang sana'y doon palang ay huminto ka na at tumigil nalang ng bahay...nagisa at magmunimuni sa kung ano ang gumugulo sa isipan....
May mga bagay na hindi naten inaasahan sa buhay...dun tayo nahahasa kung paano natin ito hahaharapin...kung kaya ba natin o hindi...may mga aksidenteng hindi naten kagustuhan...bumabagsak tayo at natatalo...ngunit kailangan nating tumayo at ituloy ang laban...
Saan nga ba tutungo itong pinapahayag ko??? Nais ko lang naman humingi ng payo...ang bawat isa sa atin ay may hangganan...Kung kaya pa nating indahin ang mga pangyayari hindi tayo hihinto para sumuko... tama???...Meron akong isang kaibigan na sa bawat pagkakataon na lang ay hanggang ngayon ay hindi pa din nya ako maunawaan at maintindihan...hindi nya matanggap kung ano ako...kung paano ako magbiro...paano ako maglambing..paano ako makitungo sa kanya sa ibang tao...sa tingin nya'y hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo...na sa palagay nya gusto ko na ako ang laging tama...ngunit ang masakit na parte nang pagkakaibigan namin ay hindi nya natimbang ang mga magagandang pinagsamahan namin sa kabila ng lahat...
Ngunit kailan nga ba dapat huminto sa pagiging kaibigan ang isang tao???..pag gayong wala ng pag-asa na ika'y maunawaan??? pag kapos ang pagiisip at hindi magkaintindihan??? pag sobra nang nasaktan ang isa't isa at wala ng paraan para hilumin ang mga sugat??? pag ang mga binitawang salita'y hindi na mababawi???
pag ikaw ay nilisan ng walang paalam???
Ayoko sanang huminto ngunit kung patuloy akong makakasakit mas nanaisin ko nang lumisan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Ano yan acheng? May umaway sayo? Gago yan ah!
[url=http://firgonbares.net/][img]http://firgonbares.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]how to open quarkxpress passport in quarkexpress, [url=http://firgonbares.net/]software 2008 canada[/url]
[url=http://firgonbares.net/][/url] cheapest adobe software virtual store software
to buy adobe software [url=http://firgonbares.net/]dreamweaver software for sale[/url] qxp quarkxpress free download reader
[url=http://firgonbares.net/]android software store[/url] adobe photoshop cs3 crack
[url=http://firgonbares.net/]mobile software canada[/url] nero torrent
discount on microsoft office for [url=http://firgonbares.net/]software to buy[/b]
[url=http://sunkomutors.net/][img]http://sunkomutors.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]discounted office software, [url=http://sunkomutors.net/]buy for photoshop[/url]
[url=http://sunkomutors.net/][/url] quarkxpress filemaker pro software resellers australia
adobe acrobat 9 distiller trouble [url=http://sunkomutors.net/]coreldraw 12 trial crack[/url] to sell a software product
[url=http://sunkomutors.net/]autocad civil 3d 2009 sp2[/url] buying oem software
[url=http://sunkomutors.net/]pirated adobe software[/url] shop adobe photoshop cs4
selling software online [url=http://sunkomutors.net/]Titanium Pro Mac[/b]
Post a Comment