Monday, October 29, 2007

Kailan nga ba tayo hihinto???

Kanina napakahaba ng diskusyon kung kelan ba tayo hihinto sa mga bagay??? Halimbawa na lang sa kung kelan tayo hihinto sa pagbibiro...Kung itigil na bang ihayag ang tunay na nararamdaman...pahintuin nang umibig ang puso sa laban na alam mong talo ka sa umpisa pa lang??? Kelan nga ba tayo hihinto... pag nakita na nating bumabaha na ng luha...nasabi na ang mga bagay na alam nating hindi na dapat nasambit???

Alam ko na napakalalim ng mga salitang binitiwan ko sa unang bahagi nitong blog na ito...Ngayong araw ko lang napagisipan na minsan mahirap unawain ang isang tao kung sarado ang isip nito...hindi sa nais mong baguhin ang pananaw nya...bagkus gusto mo lang naman unawain ang taong ito..ngunit hindi mo maiintindihan ang kabilang panig kung puno ng pagkamuhi at galit ang nararamdaman nila sayo...Hindi ko gawaing mang-away ngunit minsan sa pagiging prangka ko at minsan pagiging makulit hindi ko alam kung nakakasakit ba ako ng kapwa dahil sa napapamulat ko na totoo ang mga sinasabi ko at hindi nila matanggap ito ng paulit ulit..o kung pabiro ko man nasasabi ang mga salitang totoo bakit ako hihinto sa ginagawa ko gayong alam ko na katotohanan naman ang mga sinasabi ko...Malinaw sa akin na may oras ang pagbibiro at may oras sa mga seryosong bagay...ngunit sa biruan hindi pwedeng ihalo ang personal nating mga problema dahil alam nating sa mga reaksyon na ganito hindi tayo pwedeng magpaapekto dahil ang pagiging sensitibo ay maaring hindi lang ikaw ang maapektuhan kung hindi na rin ang mga taong nakapaligid sa iyo...

Isinasang tabi naten ang mga problema kapag oras ng sayahan...hindi ito pagkukubli sa tunay na nararamdaman bagkus inilalagay naten sa tamang lugar ang lahat....dahil hindi ka mananalo ng "BEST ACTOR AWARD" pag naitago mo ito ng maayos...bagkus masasabi mo sa sarili mo na marunong ka magdala ng problema...

Kung sa umpisa pa lang nang araw ay balisa ka na sa nararamdaman...naiinis...naasar..pikon...galit...walang gana upang magsaya...malamang sana'y doon palang ay huminto ka na at tumigil nalang ng bahay...nagisa at magmunimuni sa kung ano ang gumugulo sa isipan....

May mga bagay na hindi naten inaasahan sa buhay...dun tayo nahahasa kung paano natin ito hahaharapin...kung kaya ba natin o hindi...may mga aksidenteng hindi naten kagustuhan...bumabagsak tayo at natatalo...ngunit kailangan nating tumayo at ituloy ang laban...

Saan nga ba tutungo itong pinapahayag ko??? Nais ko lang naman humingi ng payo...ang bawat isa sa atin ay may hangganan...Kung kaya pa nating indahin ang mga pangyayari hindi tayo hihinto para sumuko... tama???...Meron akong isang kaibigan na sa bawat pagkakataon na lang ay hanggang ngayon ay hindi pa din nya ako maunawaan at maintindihan...hindi nya matanggap kung ano ako...kung paano ako magbiro...paano ako maglambing..paano ako makitungo sa kanya sa ibang tao...sa tingin nya'y hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo...na sa palagay nya gusto ko na ako ang laging tama...ngunit ang masakit na parte nang pagkakaibigan namin ay hindi nya natimbang ang mga magagandang pinagsamahan namin sa kabila ng lahat...

Ngunit kailan nga ba dapat huminto sa pagiging kaibigan ang isang tao???..pag gayong wala ng pag-asa na ika'y maunawaan??? pag kapos ang pagiisip at hindi magkaintindihan??? pag sobra nang nasaktan ang isa't isa at wala ng paraan para hilumin ang mga sugat??? pag ang mga binitawang salita'y hindi na mababawi???
pag ikaw ay nilisan ng walang paalam???

Ayoko sanang huminto ngunit kung patuloy akong makakasakit mas nanaisin ko nang lumisan...

Tuesday, October 23, 2007

Major Jabar

Heller anong bago???

Sympre nagbagong buhay daw ako today kasi ang aga ko pumasok...usually kasi pumapasok na ako in time for lunch hehehhe...Pero kaninang umaga 9am nasa office na ako. Ano bang pwede kong ishare sa inyo for today...Ay alam ko na..alam nyo ba na you can't smell yourself..naniniwala ba kayo dun??? sana nga totoo un...kasi nakakatawa kaya ayaw na ayaw kong nagbubus kasi ung mga bagay na toh etoh ung hindi mo maiiwasan makasakay...ang malas ko diba...kaya gusto ko na din magkakotse...

O so ganito ung nangyari kamusta naman ung lalake sa bus stop sa may OLIVE AVE..dun palang putcha naamoy ko na sha!!! pero sympre ako mega check ako sa sarili ko...inisip ko mabuti hhhmmm?? naglagay ako ng deodorant...check... for sure nagtootbrush ako...check punyeta nagfloss pa ako at nag mumog pa ako ng mouthwash...kaya mamatay na kung ako ung amoy anghit...di ako mapakali so nauna ung lalakeng feeling ko sha ang may salarin sa masangsang na amoy...gosh nakakairita...alam mo un na feeling mo naninikit sayo ung amoy. OMG!!OMG!!OMG!!! as in major OMG...di ko alam if I will feel sorry for that guy or ako sa sarili ko ako maaawa..considering na pagbaba ko ng bus feel ko taglay ko pa din ang amoy na nakakamatay...

I know that's major jabar.. ano ba ang jabar???
JABAR eh tagalog slang na ang ibig sabihin ay anghit,putok,masangsang na amoy na mas oa pa ang amoy parang 100% ang tindi!!

Napaisip ako talaga ano bang mga maaring dahilan ng ganung amoy..leche diba talagang pinag-isipan ko daw...at ang pinakamatinding naisip ko nalang eh blame it on the GENES hahaha yess un nalang talaga ang naisip ko..
1. baka lahi lahi lang yang pesteng putok na yan!! wakekekeke....
2. dapat huwag kang tatamarin maligo!! dahil malaking bagay ang naliligo at nahuhugasan yun dibah!!!
3. at sympre gumamit ka ng deodorant...kaya nga naiimbento yang mga bagay na yan para gumanda ang buhay naten!!
Perwisyo kasi ung dinulot nung lalakeng may anghit sa bus...talaga daw nagduda pa ako sa amoy ko...Tama ba naman un??? wakekeke!!!

Ayun sympre Tuesday ngayon...at regular gymnite ko tonite! Sana lang sa gym wala akong ma-encounter na may anghit kasi talagang maglalaslas na ako ng kilikili ko oras na may ma-experience akong ganung amoy tonite..Ipagdasal nyo ako friends please or kung may same experience kayo ng ka-JABARan share nyo naman sa aken para makarecover ako at ma-feel ko na i'm not alone!!echosero!!!!

Mag comment kayo kung feel nyo kung ayaw nyo edi okei lang!!!

Monday, October 22, 2007

Nympha

Heller anong bago???

Etoh na si Nympha aka Buding eh nagrereklamo at panay ang mura sa akin dahil sa binansagan ko syang NYMPHA Eh ano nga bang kahulugan ng pangalan na toh??? Naaalala ko lang noon bata pa ako may parang tagalog bold film na kung saan ang pangalan ng babaeng bida ay NYMPHA..ang background nung character nung bida eh mahirap na birhen...na walang alam sa kamuduhan...So ung character na nga un sa pelikula nung una ay santa-santita tapos di nagtagal eh naging pakawala...ganun!!!
mantakin mo ba naman na swak na swak pag search ko kanina sa WIKIPEDIA ganun na ganun ang kahulugan nung name...kaya sa mga friendly friends namen na pagnagtanung kung meaning nung name na NYMPHA eh hopefully nasagot ko na sa blog na itu!!!

Si Couz nakakatawa nagtetext sa akin tinatanong nya kung bakit di ako naka online sa YM..hahaha Couz ang sagot ko dyan eh...naman pwede naman siguro akong mag day-off sa YM baka kasi nagsasawa na ang Yahoo Messenger sa akin...diba!!!

Alam nyo guyz lately super late ako pumasok sa work...grabeh minsan nakakatamad talaga bumangon pag wala kang ganung drive to go to work...sana may bago akong gawin..like bagong project..well hopefully matapos ko na ung ginagawa ko para next week nga eh I'm going to help ED on some stuff!!! At least di nalang ako match ng match..

Ay share ko din pala ung bagong kanta ni fergie...wala lang!





actually nakapost na din tong kantang toh sa friendster ko pero iba ung video...etoh ung live version!

Magcomment kayo kung feel nyo kung ayaw nyo edi okei lang!!!

Sunday, October 21, 2007

Sunday Laziness

Heller anong bago??? etoh sinisimulan ko nang gumawa ng blog as much as possible ung mas madalas... Sabi kasi ng friend kong si Allen "OO nga may personal website ka nga pero hindi mo naman inuupdate most of the time"..Oha edi napaisip naman ang lolo mo "OO nga noh!?" sayang naman ung binabayad ko sa GEOCITIES and sa binayad ko sa paggawa ko ng website ko kung hindi ko naman ginagamit.. kaya etoh nagising ang lolo nyo!!!

Nagising ako kanina ng walang hang over!!! YES YES at isa pang YES...bakit??? kasi nga merong pinainom sa akin ung bartender sa ZEN SUSHI na tinawag nyang L.A. WATERS....na putcha kitang kita ko kahit madalim ung lugar na un...na lahat na ata ng mix na nsa bar eh nilagay nya...nyeta sinabi ko na kay Nymphs "Gega! lalasingin tayo nitong mokong na toh!!!" sagot naman sa akin ni Nymphs "E diba yan ang gusto mo maglasing tayo???" ...O diba dipa ako nakaka 2 drinks parang di ko na maalala na un pala ang point ko kaya ako nagpunta dun sa lugar na un...

Oh well plus panoorin ung banda ng friend ko na si Mai na Linggo Band...12am sila nagstart mag play @ nagbayad kami ng 10 bucks para dun...Honestly hindi ako ganun natuwa...hehehe no offense ha pero siguro di maganda ung sound system at talagang tumapat nalang ako sa speaker para maintindihan ang kanta....siguro naka 6 na kanta sila pero sa anim na un??? ...parang wala lang...or baka lasing lang ako??? Wakekekeke!!!

Pero un nagdrive kami sa FULLHOUSE to eat late dinner as in okei sa convoy sinundan namen ung sasakyan ni Herbs pero ayun nakaride ako kay Paul eh so imbes na sundan namen si Herbs nagmagandang loob na si Allen na sha nalang ang sundan namen wakekke!!! kasi baka 5am na ng umaga wla pa kame dun sa kakainan namen....Ofcourse Chinese food...wala na akong powers nun kasi mga 2am na ata nun kumbaga "low batt" na ako nun...Ayun kaya after namen ng late nite chicha...Dumeretso na kami umuwi...Hinatid ako nila Dimps nagpaalam si Mareng Dimps kasi nga tinulungan ko syang maglinis ng condo nila kasi naksss bago ang flooring nila...at sosyalin naka wood floor na sila...shet di na mareach!! >jk<

Ayan etoh na SUNDAY LAZINESS kasi maghapon akong nakatengga ngayon sa bahay and sa sobrang katamaran ko eh ayun nagorder ako ng food at of course...Chinese Food ulit shunga ko...di ko narealize or baka nagcrave lang ako sa Chinese food kasi di naman ako masyadong kumain nung late nite chicha...Pero ayun usual day lang I did my laundry...and watched PBBCE2 (Pinoy Big Brothers Celebrity Edition 2) ayan sa YOUTUBE...oha!!! I know bukas papasok nanaman shucks try ko lang magplantsa ng damit ko for tomorrow...grabeh in times like this namimiss ko si Manang ung nagpaplantsa sa amin nun sa pinas...kasi dati kung may tga plantsa ako...lech ngayon putah ako na lahat...eh naku tamad pa naman ako sa mga ganung bagay!!! hmmmmmp!!! Ay nabalitaan ko din pala kay Loven na may bagong gf tong si friendly friend kong si Jechoy at ang tanga ko update ako ng update sa friendster di ko man lang nabasa na in a relationship na sha...ayun kaya pala di nagpaparamdam..busy!!! wakekeke naconfirmed ko lang nung nakita ko ang latest pix...oha nakssss sabi ko nga Congratulations!!! --fr bitter ocampo! jk!!Ano yun grumaduate???- congratulations!!" ...Eh ano bang magandang sabihin "HAVE FUN!!!" ay oo nga I think that's the best word! But happy for u Jex!

Magcomment kayo kung feel nyo kung ayaw nyo edi okei lang!!!